
Pumasok ako sa loob ng bahay ni Kuya! Oo tama! At nakisama ako sa mahigit 800 na kabataan at di lang sa isang maliit na bahay kung hindi sa isang malaking pink mansion! May kitchen, may sala, may wash room, may dining hall at may 4 na bathrooms! At di lang sa loob ng 100 days kung hindi 300 days!
Haay! Naniniwala ka ba?! Maniwala ka dahil celebrity na ako ngayon! At haha nauna pa ang experience kong yun kina Uma, Cass o kay kumander Nene! Bwahaha…only one thing-hindi kasi ito natelevise!
Gets mo nah?! Nagstay ako sa dormitory ng school and to tell you the truth, di nagkakalayo ang experience ng mga housemates sa mga dormmates!
- oo promise! Totoo ito! Dahil nung unang night ko nga sa dorm feeling ko di ako makastay sa loob agad dahil eveytime I step inside the room, naiiyak ako kaya alam mo ginawa ko? Lumabas ako at inikot ko ang buong campus namin! Na to tell you the truth ay sobrang laki! Haay..habang naglalakad, todo emote ang lola niyo sabay mo pa nang pagtetext sa mga kaibigan na sad to say mga unlimited sa smart at yung iba naman walang mga load nung mga time nay yun kaya hindi makareply! Tumakbo ako at naglakad hanggang magsawa, mapagod at magka-kalyo na ang mga paa ko kaya napilitan na rin akong bumalik!
- ang strange feeling na hindi ka maka-belong o pakikisama
- sa una siyempre dahil bago, awkward ang feeling. Nakakakaba dahil lahat ng feeling na negative iniisip mo na lalo na kung sa loob ng room niyo ay may old occupants! Tsk tsk…pero on the latter part naman pag medyo matagal na kayo nagkakasama masasanay na kayo sa isa’ isa at eventually matutunan niyong mag-cope sa mga difference niyo at irespeto ang lahat ng yon.
- ang independence
-
sa loob ng dorm, sarili mo na lang ang inaasaham mo, wala ng iba. Wala na si mama para maglaba, magluto at magligpit ng kinainan mo. Kaya kung nasanay ka na prinsesa sa bahay, naku isang pinitensya ang unang dalawang week! Tell you the truth, nung unang week ko nga lahat ng nakakita sa ‘kin tuwing uuwi ako ng Friday o Saturday napagkakamalan akong maghihiking o maglalayas! Inuuwi ko kasi lahat ng marumi ko for 1 week! Grabeh but nung nagtagal naman I realized it was so uncool na ganun saka nasunog kasi yung isang palda ko sa plantsa kaya napilitan akong maglaba! Soobrang proud ako sa sarili ko nun in fairness! Kahit na naging longganisa yung mga daliri ako kakalaba! Haha..ang napagkukusot ko kasi yata lagi eh kamay saka damit! At siyempre kung gastadora ka, ngayon, dapat marunong ka nang mag-budget! Dahil kung hindi, Wednesday pa lang, pulubi ka na! hehe.
- ang responsibilities
- at dahil nga wala ka ng katulong sa dorm, kailangan ang mga responsibilities sa loob ng room ay evenly distributed tulad na lang ng pagluluto, pagsasaing, paglilinis, pagliligpit at siyempre bukod pa dun ang mga personal responsibilities mo sa sarili, school, pag-aaral at training.
- ang mga lessons and great experiences (dorm at college)
- nung una akala ko hindi ako magiging masaya kung magdodorm ako, dahil una wala ang mga dating kaibigan ko dito saka I’m not that
friendly para magkaron agad ng maraming kaibigan pero ngayon? I even missed staying there and sleeping there! Sama mo pa ang mga pasaway na roommate ko sa 214!
- It was all great kasi the dorm for me is a huge place for meeting people and making friends. Dito ko na experience yung “jologs” yung feeling mo ang liit ng mundo dahil yung mga kaibigan mo pinapakilala ka sa mga kaibigan nila tas magiging close na rin kayo tas you’ll find out eventually na may kakilala rin pala siya na kaibigan mo rin.
- Ang pinakagreat na lesson na natutunan ko dito ay ang to smile always and laugh all the problems that troubles you. Bakit? Dahil unang una, I told you before ayoko talaga sa school & ayoko din na mapalayo sa friends ko dahil feeling ko nung una tinapon nila ko sa isang place na isolated mashado. Pero with the help of the people around me sobra kong na realize na smiling is a great way to ease up a problem and keeps you feeling in the mood always…saka it keeps people wondering kung bakit ka laging nakatawa…akala nila may sayad ka lang pero ang totoo niyan baliw ka lang talaga, hehe!
- I’ve learned that saying what you really feel is much better than keeping it all inside.
- Respect others and in return they will do it to you too! Actually sa lahat ng bagay ganyan talaga dapat, remember wag mo gagawin sa iba yung ayaw mong gawin sa ‘yo.
- Giving up is a mere excuse of laziness.
- Innocence is next to dumbness.
- Strong determination leads to great rewards.
- Pushing yourself to the limits may feel exhausting but once you recovered, it’s a great fulfillment.
- Gossips befriend those people who have greater knowledge of what others should do for themselves.
- Individuality can’t be achieved by extravagant clothes and thick make ups, it’s about being true to yourself and not minding other’s presumptions.
- Mas masarap maging kaibigan ang taong taklesa kaysa taong sinasabi lang ang mga gusto mong marinig pag nasa harap ka niya pero pag tumalikod ka na iba na pala sinasabi.
- Puny conversations are made for sake of discussion and eventually lead for compatibility of interests and mutual understanding.
- Being humble humbly keeps your friends forever.
- Keeping your mouth shut always produces saliva amylase excess, its not good for your health! ^-^
Great experiences and lore:
a. ang pinakabasic na dapat mong matutunan kapag nagdodorm ka ay ang pagbubukas ng de-lata na ang gamit lamang ay kutsilyo!
b. Kapag marunong kang mag-gisa, marunong ka ng magluto!
c. Ang pag-aalis ng nanikit na residue dahil nasunog mo yung niluluto mo ay maglagay ka ng tubig sa kawali tapos pakuluan mo dun! Solve ang problem!
d. Ang sinaing, binabantayan hindi iniiwan! At dapat hindi lugaw o tutong ang labas!
e. Ang isang de-latang bluebay ay pede ng pantawid gutom for 1 day!
f. Masarap na merienda ang Lomi, milo at “totong”!
g. Sawa ka na ba sa tortang itlog?! Pwes tortang sayote ni Moj naman ang tikman mo!
h. Kung di ka mashado marunong maglaba, magbabad ka muna! Lalo na pag puti!
i. Okey lang magcircus sa pagbaba sa double deck!
j. Ang pagkakaron ng maraming kakilala o kaklase sa loob ng dormitory ay malaking benefit lalo na pag nawalan kayo ng gas, asin, paminta o pede na ring ulam! Isama mo nah ang madaliang pagkopaya ng notes o assignments! At pag nakatulugan mo sa klase yung prof mo, pede ka pang magpaturo sa roommate mo!
k. Huwag ka mag-aaral pag katabi mo si Madame!
l. “Ang pag-aaral ay nakakasira sa pagtulog!”
m. Kung gusto mong mag-swimming, may free pool sa shower room kapag nagbabara dun!
n. Ang skeleton key o universal key sa mga room sa dorm ay tinidor o spoons!
o. Natutunan kong magtipid dahil sa pulburon ni ate sa canteen! May iba’t ibang flavor pah! –cookies & cream, pandan, strawberry, ube, chocolate at milk!
p. At dahil napaka mapagbigay tayo, may libreng teabags tayo for the vampires sa CR courtesy of our ever burara na dormmates!
q. At dahil mga nature lover tayo may kasama tayong mga bulate at palaka! At sino ba naman ang hindi maiingit sa atin? Sosyal ang tv natin! Tatlo! San ka pa! isa para sa audio, yung isa sa video at yung last pang display factor!
r. Ang pagtulog ay masaya at purposeful na hobby!
s. Ang paglagabog ng pinto ay normal lang.
t. Masaya ngumiti at humagalpak sa pagtawa kahit OA!
u. Naapreciate ko ang mga corny na jokes.
v. Exercise ang paglalakad kaya kahit na late ka na sa class, go pa rin!
w. Masaya tumambay sa corridor ng dorm, maupo at kasama ng tropa na may gitara, birit na sa kantahan!
x. Ang pangangapit-bahay ay normal lang.
y. Ang pagiging smart thinker o yung mga smart conversation kapag kumakain ay epekto ng masarap na ulam na niluto.
z. “Miss, may kasunod poh keo?!” –famous quote!
Basta, somehow kahit papano I’ve learned a hell lot that I could ever know ng pumasok ako sa dorm and all gratitude falls for the people that resides at that dormitory! Sa mga classmates, kakilala, kangitian at most especially sa mga roommates ko: Lyrene, Moj, Bon, Madam, Leleh, Tocie at Smile! I am grateful na naging roommates ko 'tong 7 na toh! Pagsamahin mo ang Criminology, BS Math, BPE, Management at Nursing sa isang room and what will you get? Total rumble! Hehe…a rumble of mystifying jokes, laughter, debate and fun!

1 comment:
ako rin...i've learned a lot since first year college..ang hirap!!!na masarap!!!!
Post a Comment