Hindi nagtatagpo, mga pusong nagtatalo.
Dalawang landas na sadyang kay layo.
Hindi dapat pilitin ang damdaming magmahal,
Ipagkamali ang gusto sa mahal.
O pwersahin ang pagkakataon na mag baka sakali.
Kapag ang pagtingin ay nalamatan na,
Humupa man ang inis,
Saloobin ay sadyang kay hirap ng baguhin.
Hayaan mong sabihin ko ang dahilan,
Puso ko’y sarado pa para magmahal.
Mga alinlangan ko ay may rason.
Alaala ng kahapong di ko na dapat sabihin pa.
Ako’y magmamahal nguni’t sadyang di pa ngayon.
At kung nais mong tanungin kung kaya kitang mahalin
Marahil ang sagot ko’y hanggang kaibigan lamang.
Dahil ramdam kong ang ating mga landas at nararamdaman?
Ay hindi kelan man magtatagpo sa ganung lebel.
Sabihin mo ng ako’y duwag
O di naman kaya’y sambitin ang lahat ng matatamis na salita o paliwanag.
Pero anung magagawa?
Ang puso ko’y hindi naman timitibok ng gaya ng sayo.
No comments:
Post a Comment