Monday, September 19, 2005

...pangarap...

heto ako, nakatingin na naman sa tanikalang naging sanhi ng mga ambisyong bumubuhay sa akin. binubulag ako ng mga pag-asang may liwanag pa sa kanila ng malaking pader na animo'y pumipigil sa lahat ng dapat at nais kong gawin sa buhay.

mahirap, mahirap umasa lalo na kung ito'y walang katiyakang siya ngang matutupad, ibibigkis ka lamang nito sa natatanging antas ng buhay at iiiga sa kasadlakang siya lamang ang maaaring tumapos. sa bawat salitang aking sasabihin at sa bawat aking gagawin, tila may humahatak sa akin papalayo, papalayo sa mga bagay na nais kong gawin. inilalayo sa 'kin nito ang pagkakataon na gawin ang ibig kong gawin...nakakapagod na, bakit ba ayaw pumanig sa akin ng kapalaran kahit minsan lamang?

iminulat ko ang aking mga mata sa paraisong nais kong tirahan, hindi pa rin nito mababago ang katotohonan at ang aking kapalaran. mananatili pa rin akong isang talunan at walang kwenta...mananatili pa rin akong AKO. dahil sa isang pangarap, malaki man o maliit ay hindi kailanman matutupad kung ikaw ay walang tiwala sa 'yong sarili, pagsisikap at malalim na pananampalataya. ibuhos ko man ang lahat, walang mangyayari pagkat sa sarili ko pa lang...tila wala nang pag-asa pagka't sa lahat na lamang ng aking gagawin ay palaging may pag-aalinlangan.

kaya, tanikalang bituin na aking tinitingala bawat gabi, nawa'y patawarin ang nilalang na ngayo'y nalulunod na lamang sa mga pangrap na kaniyang binuo...pangarap, kay hirap mang sabihin ay parang naglaho na lamang parang hanging walang pakialam na masayang naglalaro sa kalawakan.

No comments: