may maamong mukha na nababalot ng misteryo…
may mababaw na mga luha nguni’t
may malalim na pagkatao,
may mahaba at malambot na mga buhok nguni’t
may maikling pasensiya,
may malalaki at maningning na pares ng mata nguni’t
bulag naman sa pagpapahalaga ng iba,
may talinong taglay nguni’t
may pag-aalinlangan sa pagmamahal na nadarama,
seryoso kung pagmamasdan nguni’t
may batang katauhang naglalaro sa kanya,
may hatid na tamis ang mga ngiti nguni’t
mga mata’y kasasalaminan ng kalungkutan…
misteryoso…
ano nga ba ang iyong lihim?
kaibigan?
sadyang kayhirap sabayan ng iyong mundong ginagalawan..
heto ka nga’t katabi nguni’t
bakit tila kay layo mo pa rin?!

No comments:
Post a Comment